Congrats to all our Winners!
 
43 BikesHomeGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 Pasko sa Sitio Bathala

View previous topic View next topic Go down 
Goto page : 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9  Next

Pamaskong Pagdiriwang ng 43 sa Sitio Bathala: Kailan?
Disyembre 3-4
34%
 34% [ 8 ]
Disyembre 10-11
13%
 13% [ 3 ]
Disyembre 17-18
52%
 52% [ 12 ]
Total Votes : 23
 

AuthorMessage
zap
Administrator
Administrator


Number of posts: 1893
Localisation: QC
Registration date: 2009-01-20

PostSubject: Pasko sa Sitio Bathala   Mon Nov 21, 2011 10:56 pm

[You must be registered and logged in to see this image.]
Mga Kagalang-galang na mga Binibini at Ginoo ng 43,

Sa pagmumungkahi ni katotong Jun:

Magpapasko na. Napagusapan naming nakakatanda na maari nating ipagdiwang ang kapaskuhan sa kalugud-lugud na liwasang pambisikleta sa Tanay na nagngangalang Bathala Bike Park.

Napatunayan na natin na buo at malakas pa din ang grupong 43 bikes nung huling dalaw natin sa Bathala at nung nakaraang panggabing pagtitipon ng siklista nung Araw ng Patay.

Kung gayon din ang pwersa natin sa Pamaskong pagdiriwang, maaring ma-arkila natin ang malaking tahanan para doon natin ganapin ang pagdiriwang.

At dahil nandoon na tayo sa liwasang pambisikleta, maari din tayong magdaos ng paligsahan. Patak-patak na lang ang kontribusyon para sa premyo.

Ano sa tingin nyo? Magpahiwatig na kayo ng mga nais nyong petsa kung kelan natin maaring gawin ito.

_________________
[You must be registered and logged in to see this image.]


Last edited by zap on Wed Nov 23, 2011 7:13 am; edited 7 times in total
Back to top Go down
lostboy
Core Member
Core Member


Number of posts: 1517
Age: 25
Localisation: quizon city
Registration date: 2009-02-22

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 12:02 am

para maiwas sa mga krismas party ng mga opisina sana sa maagang part ng disyembre. tapos sat-sun para masayang tunay!
Back to top Go down
twenty
Dual Core Member
Dual Core Member


Number of posts: 2216
Registration date: 2009-06-06

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 12:33 am

Ginoo ako'y susupot na...susuporta pala sa iyong ninanais. Ngunit dapat mag lathala tayo ng petsa o botohan para petsa ng ating Xmas salu-salo. Sana'y suportahan ng karamihan ito.

...tragis, may lumabas ng konting ihi habang nag tatype ako. Hirap.
Back to top Go down
zap
Administrator
Administrator


Number of posts: 1893
Localisation: QC
Registration date: 2009-01-20

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 12:46 am

Ginoong Dalawampu, isa kang henyo!

Paano nga naman tayo magkakasundo sa petsa kung walang pala-botohan?

Maaari nyo nang ipahiwatig kung kailan kayo malayang makakalahok sa ating salu-salo sa pamamagitan ng pala-botohan sa ibabaw ng talakayang pang-internet na ito.

_________________
[You must be registered and logged in to see this image.]
Back to top Go down
Amay Bisaya
Nuisance
Nuisance


Number of posts: 1565
Localisation: Genital part ob de RP
Registration date: 2007-10-16

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 2:16 am

Maganda ang hangarin mo Ka Zap. Bagama't ninanais kong makadalo sa pambihirang okasyong ito, pala-isipan sa akin ang mapagkakasunduang pagtakda ng araw. Hindi ba't makabubuti sa nakakarami, ang maisakatuparan ang petsa sa lalong madaling panahon? Sabihin nating - unang linggo, sa buwan ng Disyembre, nitong taong Dalawang Libo't Labing-Isa?

Gayon pa man, mabuti na't mapakinggan din ang palagay ng bawat isa sa atin. Dili't-sana'y masabwat sa kaisipan ninyo ang pinagkaka-abalahan na trabaho ng nakakarami at makamit ang wastong petsa.

Masabi ko lang pala... Hindi ba't may kalayuan ang ninanais ninyong pook?

Ipagsantabi ninyo muna kaya ang mamababaw ninyong dula't, mabansagan nanaman kayo ng antipatikong kasapi dito na "POSER"


Back to top Go down
zap
Administrator
Administrator


Number of posts: 1893
Localisation: QC
Registration date: 2009-01-20

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 5:01 am

Sa katunayan, sang-ayon ako sa pahayag mo, panyerong Amay. Wari ko'y hangga't maaari ay malayo sana sa kapaskuhan ang petsang mapagkasunduan. Sapagkat habang mas lumalapit ang araw ng Pasko ay mas abala ang mga tao sa kani-kanilang trabaho at pamilya. Dahil dito ako na ang unang magpupukol ng aking boto: Disyembre 2-3.

Sa suliranin ng sasakyan na gagamitin sa biyahe, nagawa na naman natin dati na lampas dalawampu tayong nakapunta - bakit hindi ulitin at dagdagan pa? Ang determinadong pumunta, makakarating. Magtanong at mayroong tutulong.

At datapwa't malayo man ang patutunguhan, hindi ba't sulit naman ang kasiyahang makakamit? Tangi pa roon, hindi ba't dahil sa mga pasilidad ng luwasang pambisikletang ito ay magagalak tayo sa paglaro ng ating mga bisikleta - ang pagbibisikleta na ang puno't dulo'y naguugnay sa ating lahat? At higit sa lahat, hindi ba't walang kapantay ang kaligayahan na makapiling sa pagdiriwang ang mga kaibigan at kasapi ng ating mumunting samahan?

At sa mga nagbabalak mambasag ng aming katuwaan sa paglalaro ng ating sariling angking wika, wag po ninyong sabihing "Poser", sapagkat ang dapat na ibansag sa amin ay "Mapagpanggap".

Putang ina, nakakabagabag din pala ng diwa isapumilit na magtagalog ng malalim at matatas. (Kung kaharap nyo na ako, wag nyo akong piliting magsalita ng ganito. Bukas ko pa kayo masasagot.)

_________________
[You must be registered and logged in to see this image.]


Last edited by zap on Tue Nov 22, 2011 7:04 am; edited 6 times in total
Back to top Go down
walalang023
Core Member
Core Member


Number of posts: 107
Age: 22
Localisation: quezon city
Registration date: 2007-04-14

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 6:33 am

I do say dear chaps, that your comprehension of "Tagalog" is rather deep. Reading it has caused my nasal orifice to bleed profusely. That being said, this event should be quite enjoyable and one that I would wish to partake upon.

Unfortunately, seeing that it would be held during the month of December, I would be incapable of bestowing a date which should be most favorable to anyone. So I would await upon that which course of days shall be mediated upon and establish my agenda on that.

Oh my! Look at the time! I have to depart now. I shall await your concluding verdict. Until the next time Forty-Three!
Back to top Go down
PK
Core Member
Core Member


Number of posts: 1425
Registration date: 2008-07-28

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 7:38 am

kung marunong lang ako mag type ng instik e......
Back to top Go down
Amay Bisaya
Nuisance
Nuisance


Number of posts: 1565
Localisation: Genital part ob de RP
Registration date: 2007-10-16

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 8:33 am

walalang023 wrote:
I do say dear chaps, that your comprehension of "Tagalog" is rather deep. Reading it has caused my nasal orifice to bleed profusely. That being said, this event should be quite enjoyable and one that I would wish to partake upon.

Unfortunately, seeing that it would be held during the month of December, I would be incapable of bestowing a date which should be most favorable to anyone. So I would await upon that which course of days shall be mediated upon and establish my agenda on that.

Oh my! Look at the time! I have to depart now. I shall await your concluding verdict. Until the next time Forty-Three!



Get awt of da klass! Ho my gudnest... cannut yu see da luk??? We r ispokeneng the maderload and yu butt in wid ur dollar sign? Hu's ur dadi? I deman applelogi.
Back to top Go down
dearjuanmiguel
Core Member
Core Member


Number of posts: 2189
Age: 23
Registration date: 2009-09-16

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 8:35 am

mGa kUa, bAka mAz oKeiZ kUnG kEo nAh po mAgSuGgESt tPoz piPili nAlaNg mGa guZtoh sUmAmA DiBuH? eto na ang bagong malalim na tagalog.hehe
Back to top Go down
dearjuanmiguel
Core Member
Core Member


Number of posts: 2189
Age: 23
Registration date: 2009-09-16

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 8:36 am

ay,ipagpaumanhin niyo.mayroon na palang nakasaad na botohan sa itaas na bahagi ng pahina.
Back to top Go down
Administrator
Elokahn
Elokahn


Number of posts: 3807
Age: 29
Localisation: Jan lang
Registration date: 2008-05-26

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 8:42 am

Puangina! Putangina! Putangina! Jak met maatawan nen! Nag-uneg met ti sarita yon!
Back to top Go down
JANG
CoreNy
CoreNy


Number of posts: 1978
Age: 29
Localisation: sa puso mo...
Registration date: 2009-03-20

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 8:48 am

dearjuanmiguel wrote:
mGa kUa, bAka mAz oKeiZ kUnG kEo nAh po mAgSuGgESt tPoz piPili nAlaNg mGa guZtoh sUmAmA DiBuH? eto na ang bagong malalim na tagalog.hehe


ang iyong pag uugali sa nasambit na lengguwahe ay ang makabagong salitang nabatid ay ang "hehemon", hindi ba kaibigang Huwan Migelito? mainam ngunit at akoy nagugulumihanan....
Back to top Go down
zap
Administrator
Administrator


Number of posts: 1893
Localisation: QC
Registration date: 2009-01-20

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 9:15 am

PK wrote:
kung marunong lang ako mag type ng instik e......

是你可以!

_________________
[You must be registered and logged in to see this image.]
Back to top Go down
carlos
Core Member
Core Member


Number of posts: 959
Age: 24
Localisation: commonwealth
Registration date: 2007-02-24

PostSubject: Re: Pasko sa Sitio Bathala   Tue Nov 22, 2011 9:52 am

maayong aga sa inyo akong mga migo kad utod sa iban na nanay.
nami tani kung sa una ini na semana sang desyembre
kay basi damo na ko himuon sa pagabot sang christmas. Smile
Back to top Go down
 

Pasko sa Sitio Bathala

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 9Goto page : 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9  Next

 Similar topics

-
» Pasko sa Sitio Bathala
» Bathala bike park
» Anu natanggap mo ngaung pasko?
» ISANG MAGANDANG REGALO NA MATATANGAP NG IYONG MOTMOT (HONDA XRM) NGAYONG PASKO MULA SAYO
» Momarco (Bathala) bike park 43 field trip/retreat/seminar

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
43 Bikes Philippines :: MOUNTAIN BIKING NEWS :: News and Featured Stories-